Timbog ang isang barangay kagawad matapos sitahin sa isang checkpoint at makumpiskahan ng ilegal na droga sa Jones, Isabela kamkalawa ng gabi

Lulan ng tricycle ang suspek na si barangay kagawad Joey Luis Reyes, 39, ng Daligan, Jones, Isabela, nang sitahin ito sa isang checkpoint.

Ayon kay Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng Jones Police, nang kapkapan ang suspek, nakakuha ang pulisya ng isang sachet ng shabu kaya agad itong dinakip.

Napag-alaman na una na ring umamin ang suspek na gumagamit ng ilegal na droga kasabay ng pagbubunyag kung saan ito kumukuha ng shabu.

Sa isiniwalat ni Reyes, ito naman ang tututukan ng pulisya para maaresto ang tinukoy na supplier ng shabu.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban kay Reyes.