Demanda ang inabot ng isang netizen matapos itong punahin sa post niya sa social media tungkol sa diumano’y ‘pagpapasarap’ ng kanilang barangay kagawad sa Calamaba City, Laguna.

Batay sa report ng Calamba City Police, noong lunes ay tuluyang sinampahan ng kasong paglabas sa RA 10178 o Cybercrime Law at RA 11469 o Bayanihan to Heal as One ng barangay kagawad ng Brgy. Lawa na si Alma Manaig ang kanyang kabaranggay na si Noli Seco Matulin dahil umano sa malisyosong pagpo-post nito sa Facebook.

Batay sa reklamo nito, ine-report ni Matulin ang kanyang picture at nilagyan ng caption na “Konsi puro tayo pasarap ah. Wala ka naman naiiambag sa Barangay mo,” na nagdulot umano ng pagpapahiya sa kanya sa mga nagkomentaryo.

Unang nakarating sa barangay hall ang usapin ng dalawa pero hindi rin nagkaayos kaya iniakyat na sa korte. (Ronilo Dagos)