Pinailawan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang kahabaan ng Taft Avenue para maiwasan na pamahayan ng mga holdaper at snatcher.
Personal na pinangunahan ni Moreno ang pagpapailaw ng kahabaan ng Taft Avenue mula Philippine General Hospital hanggang sa Padre Faura kung saan ito naglakad at tiniyak ni Moreno na may ilaw ang kalsada.
Ang bagong mga ilaw ay naka-install mula sa Pablo Ocampo, Sr. (formerly Vito Cruz St.), hanggang sa boundary ng Manila at Pasay City.
Ang mga ilaw ay pawang LED lights at hinikayat niya ang publiko na huwag nakawin at sirain ang mga ilaw.
Ayon kay Moreno nakatanggap siya ng mga reklamo na may ilang lugar sa Taft ang madilim at pinamumugaran ng mga holdaper, snatcher, pickpocket at maging ng mga kidnapper.
‘We all know that darkness is every criminal’s ally. We hope that the bright lights will serve as a deterrrent to crimes and their perpetrators,’ dagdag pa ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)