HANDOG ng It’s Showtime para sa Holy Week special nito mula Lunes hanggang Miyekules (Abril 10-12) ang mga istorya tungkol sa pagmamahal para sa pamilya at tibay ng pananampalataya.

Bida kahapon sina Vhong Navarro at Jhong Hilario bilang half-brothers na sinubok ng se­los at inggit ang relasyon.

Ngayong Martes Santo, gaganap si Anne Curtis bilang GUARDIAN ANGEL na may misyon.

Maibalik pa kaya niya sa tamang landas si Zach (Enchong Dee) at palakasin ang pananampalataya nito matapos ang isang matinding pagsubok sa pamilya?

Bukas (Miyerkules Santo), tampok sina Karylle, Billy Crawford, at Amy Pe­rez bilang mga magulang na nagsisikap pagsabayin ang mga responsibilidad sa trabaho at tahanan.

Sa kabila ng puspusang pagtatrabaho para sa kinabukasan ng pa­milya, gaano ba kahalaga ang pag­lalaan ng oras sa mga anak?

Bukas din matutunghayan ang kuwento ng pagmamahalan ng tatlong lola at kanilang apo na pagbibidahan ni Vice Ganda.

Sa kuwentong ito, ibabahagi sa mga manonood ang pagpapahalaga sa mga taong minamahal habang sila ay nabubuhay pa.

One Response

  1. Halos lahat na lang ginaya, haha! Mag-isip naman kayo ng masasabi nyong original na nag mula sa inyo hindi yung galing sa katapat nyong programa, haha!

    #GayaPaMore
    #EBLentenPresentation