Kaya naman Beauty ang pangalan ni Beauty Gonzales ay dahil saan mang anggulo ng kanyang buong katawan ay napakaganda.
Isa si Beauty sa mga celebrity na paboritong puntahan ang social media para ipangalandakan ang kaseksihan. Ramdam na ramdam na may karapatan ang mga itong i-post ang kanilang kaseksihan.
Isa ring image model ng mga ina si Beauty. Hindi pinabayaan ang kanyang sarili matapos manganak.
Lagi naming sinasabi na kung kailan nagkaanak ang Kapamilya star, saka naman mas gumanda ang figure nito. Mas naging katakam-takam sa lahat ng mga kalalakihan.
Hindi lang sa kanyang career bilang aktres nagkaroon ng panibagong estado ang buhay ni Beauty mula nang magkaasawa at nagkaanak. Totoong star quality ang kanyang pagiging artista.
Pagdating naman sa social media isang bikini model kung ituring si Beauty ng mga netizen.
Mahirap tanggihan ng mata ang mga post ng aktres. Nagpapakita ito ng kanyang kalandian at kalokohan.
May kakaibang dating ang kaharutan ni Beauty na puwedeng pagnasaan. Pero hindi mo siya babastusin lalo’t may art-theme ang kanyang mga non-pro pictorial. Nakakapag-init pero bibigyan mo ng pagpapahalaga at respeto. (Rey Pumaloy)