Sugatan ang dala-wang miyembro ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tulak at isang cashier ng gaso­linahan na tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na buy-bust operation kahapon sa Pasay City.

Patuloy na ginagamit sa San Juan De Dios Hospital ang PDEA agent na sina PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, at si Agent 2 Richard Saure, 44, makaraang magtamo ng hindi pa mabatid na kali­bre ng baril sa katawan.

Sugatan naman ang kahera ng Unioil Gasoline Station na nakilala lamang sa pangalang Justine na isinugod sa Adventist Hospital matapos tamaan ng ligaw na bala.

Isinugod din sa nasabing pagamutan ang suspek na nakilala lamang sa alyas Boy na nagtamo din ng bala ng baril sa katawan habang nakatakas ang kasabwat nito.

Sa isinumiteng report ni Chief Insp. Wilfredo Sanghel, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, alas- 7:30 ng umaga nang maganap ang barilan sa may Buendia Harrison malapit sa Unioil.

Lumalabas na nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang PDEA sa nasa­bing lugar ngunit nang matunugan ng mga suspek na pulis ang katransaksyon ay dito na pinaputukan ang mga awtoridad.

Makalipas ang 3-minutong palitan ng putok, nakitang duguan nang nakabulagta sina Yang at Saure gayundin ang suspek na si Boy.

Agad namang naisugod sa nasabing pagamutan ang apat kung saan patuloy pa rin silang nilalapatan ng lunas. (Armida Rico/Shiela Marie Paderan)