Para kay Robin Padilla, isa sa positibong epekto ng community quarantine ay ang pagkakaroon ng maraming oras para sa pamilya. Dito rin natin malalaman kung sino ang tunay na nagmamahal sa atin.

“Ang positibong epekto ng community quarantine na ito ay magkakaroon ng maraming oras at araw ang isang pamilya upang muling magsama sama ng sabay sabay sa kanilang tahanan.

“Matagal tagal na rin naging busy ang bawat isa sa kaniyang sariling buhay walang mall ngayon walang lakwatsa walang barkada walang extra curricular activities para tayong nabalik sa nakaraan samantalahin natin ang pagkakataon na ito upang makapag usap usap at muling kilalanin ang miembro ng ating mga pamilya at sa ganito rin pagkakataon malalaman kung sino ang tunay na nagmamahal sa iyo at umiibig sa iyo,” post ni Robin sa kanyang Instagram.

“Lalabas lahat ng kulay ng mga tao sa paligid mo sa mga panahon na ito may mga magiging kaibigan at may magiging kakilala ang lahat ng bagay ay may dahilan maaring pangit sa unang tingin pero kapag tinitigan mo yun pala ang makabubuti,” patuloy ni Binoe.

Inayunan din niya ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na iwasan muna ang paggamit ng cellphone.

Napakaganda ng mensahe ni Mayor PRRD mainam na bawasan din ang pag gamit ng celphone its time for us to reflect and practice the family that prays together stays together and cleanliness is next to Godliness.

“Patibayin natin ang bawat pamilya sa oras na ito dahil siguradong titibay din ang ating Bansa sa pagharap sa crisis na ito. This is a different kind of warfare and when a nation is at war we should unite and fight this mindlless FOE.

“Sabi nga ng kaibigan kong Mayor ng isabela city isang malaking kahibangan kapag natalo tayo ng virus na walang utak at isip. May the Almighty God have mercy on us all help us all and bless us all In shaa Allah,” pahayag pa ni Robin.

Raymond nalungkot sa naudlot na Richard-Sarah kasal

Inamin ni Raymond Gutierrez na talagang hindi naging madali ang desisyon ng twin brother niyang si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na i-postpone ang kasal ng mga ito.

As we all know, inanunsyo nina Richard at Sarah last Thursday na postponed ang kasal nila na dapat ay gaganapin ngayong araw, March 14.

Sa kanyang Instagram post, halatang ikinalungkot ni Raymond ang nangyari pero hinahangaan naman niya ang kapatid at future sister in-law sa naging desisyon.

“Today was a very difficult day for our family and most especially for @richardgutz and @sarahlahbati. Postponing their wedding wasn’t an easy decision – one year of planning with hundreds of people involved and guests from all over the world already in town to celebrate the big day.

“I’m very proud of them for choosing the safety of their guests and putting everyone’s wellbeing at the forefront. In a time where the world feels so uncertain and full of fear, your love for each other makes us hopeful for the future,” parte ng post ni Raymond.

Patuloy pa ng kambal ni Chard, magse-celebrate raw sila kapag bumuti na ang lahat.

“Continue to be an example and we will celebrate once everything gets better. Love you both!” pagtatapos ng post ni Raymond.

McCoy biktima ng carnap

Ang ganda ng pasok ng 2020 para kay Hashtag McCoy de Leon dahil sunod-sunod ang projects niya. Sinimulan ito ng showing ng pelikula niyang Block Z with Joshua Garcia and Julia Barreto noong January at sinundan naman ng special participation niya sa 24/7 series ni Julia Montes.

Ngayon ay may bago na naman siyang project, ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na Burado nina Julia Montes at Nadine Lustre.

Si McCoy din ang bibida ngayong Sabado, March 14, sa episode ng Ipaglaban Mo na “Karnap” kung saan ay gagampanan niya ang papel na biktima ng carnap at murder.

Last February nga ay nag-celebrate ng kaarawan si McCoy at binigyan siya ng post-birthday celebration ng kanyang mga fans last week. Dito ay sinabi ng aktor na ito raw ang most memorable birthday niya.

Sobrang thankful ni McCoy sa lahat ng blessings na dumadating at sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng fans, pamilya at mga kaibigan.