Kahirapan ang ugat

Dear Sir:

Nais ko lang magkomento sa sinabi ni Police Director General Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa na ang sabi niya, “I feel the strong support of the people in our campaign but why are there sectors who make it appear that we’re the bad guys”.

‘Yan po ang mga sectors ng lipunan na naki­kinabang sa illegal drugs. Gagawa sila ng lahat ng pamamaraan na matigil ang inyong kampanya laban sa droga. Lalo na iyong mga drug lords magpapakawala ‘yan ng mga taong lalabanan ang inyong pinaggagawa dadaanin pa ‘yan sa Rule of Law kuno. Malaking kawalan sa kanila ang kanilang kinikita sa droga.

Biro mo bilyong-­bilyong piso ang nawala sa kanila. Hindi nila akalain na maging seryoso talaga ang Duterte government sa paglaban sa droga.

Marami pang gagawin ang mga drug lords na ‘yan upang pabagsakin ang Duterte government.

Kahit kulang kayo sa mga tauhan at kagamitan unti-unti naman niyong nagagampanan ang inyong tungkulin. Hinay-hinay lang po huwag ka­yong magmadali sa period time ng anim na buwan.

Malalim po ang ugat. Mahirap mabunot ang mga ugat. Dahil nasa ugat ng kahirapan ang pinagmulan ng mga drug pushers. Kakapit talaga sila sa patalim upang mabuhay. Lalo na iyong walang natapos na pinag-aralan.­ Kaya ang mabuti nito kailangang tulungan ng gobyerno ang mga taong kapus-palad na maturuan ng mga maaaring pagka­kitaan nang legal.

Kung marami na ang mga investors, mag-invest sila sa manpower na maturuan ng kinaukulang hanapbuhay para sa kanilang negosyo. Training lang po ang kailangan.

ROY ARTHUR A. ALBANIA
Pasay City