Walang pinipiling kulay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gustong magtrabaho sa gobyerno.

Ito ang tiniyak ng Presidente kahit pa ang mga ito ay “identified” sa nagdaang administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na ang tinitingnan nito para sa mga bakanteng puwesto ay competence at katapatan at hindi ­aniya ipagkakait ang promosyon kung karapat-dapat ang mga ito.

Hindi aniya mahalaga kung tao man ni dating Pangulong Benigno Aquino III o ni dating Secretary Mar Roxas ang ipuwesto sa bakanteng puwesto basta’t ­kuwalipikado ang mga ito.

“If you want a promotion o may bakante diyan, if you are competent and honest, you get it. Yellow ka, blue ka, gray ka, o itim ka, wala sa akin ‘yan. Pati ‘yung sa promotion, it will be on the merit. Hindi ‘yan dahil tao ka ni Aquino, tao ka ni Kris — ­Roxas,” anang Pangulo. ­