Kahit ECQ:Party ng anak ni Pacquiao bongga

Umaapaw ang handang pagkain sa ika-anim na kaarawan ni Israel Pacquiao, anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Kahit lockdown, naging makulay at masaya pa rin ang kanilang pagdiriwang.

Sa Instagram post ni Jinkee, ipinasilip nito ang Cars-theme party ni Israel kabilang na ang larawan ng kanilang buong pamilya.

Mensahe ni Jinkee para sa kanyang anak sa kahiwalay na post, “Happy 6th Birthday, Israel my Love. May every dream and wish you have not only come true but also lead to an amazing future for you knowing that God who holds the future loves you so much!” (JAT)