Kahit luhaan, Cignal pinuri ng mga netizen

‘Di man nasungkit ang korona sa 7th ­Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019, proud pa rin ang mga fan sa ­pusong palaban na pinakita­ ng Cignal.

Nitong Game 2 Finals Martes ng gabi, ‘di nakaporma ang HD Spikers laban sa F2 Logistics, 14-25, 16-25, 19-25 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay para tangha­ling kampeon ang Cargo Movers.

Walang HD Spiker ang nakasampa sa double figure, si opposite hitter Jovelyn Gonzaga ay naka-siyam na puntos lang.

Gayunpaman, napabilib pa rin ang mga fan sa tapang na pinakita ng Cignal sa women’s volleyfest midseason conference.

Sey ni Twitter user Iska Morena (@stefaningg), “sobrang nakakaproud din Cignal HD Spikers kasi hindi biro yung talunin twice sa semis ang defending champ (Petron) tapos umabot hanggang finals. Well deserved din ang indiv awards. Pero ­syempre, CONGRATS F2!!! Inyo na ulit ang korona mga vev hihi at bumalik na ang KAFtain!!!”

Tweet naman ni Tres MB (@Tres1991), “naka­kalungkot dahil natalo ang Cignal pero sobrang nakakahanga pa rin yung dinaanan nila. Congrats @F2CargoMovers. ­Congrats din @JheckDionela @JOVZKIE08 at sa buong Cignal HD Spikers. #PSLAFC2019 #PSLAFCFinals.”­

“What matters most is that @CignalHDSpikers played their hearts out,” pagmamalaki, (Janiel Abby Toralba)