Nag-renew ng kontrata ang Kapamilya hunk na si Jake Cuenca sa pamunuan ng ABS-CBN 2.

Dalawang taon ang kanyang pinirmahan sa contract kahapon.

May bago rin siyang show sa ABS -CBN tuwing Linggo na pinamagatang “The Haunted” with Shaina Magdayao at Denise Laurel.

Ano naman ang reaksyon niya sa pinoproblema na ‘di pa nare-renew ang franchise ng Dos?

“For me nandu’n ang tiwala sa mga bosses ng ABS-CBN. Nandoon ang loyalty ko sa kanila. Nandoon sila para sa akin nu’ng walang naniwala sa akin. Nu’ng walang nagbigay tiwala sa akin. So, for me kahit anong mangyari ABS-CBN tayo,” deklara niya nang makatsikahan namin sa presscon ng filmfest movie niya na “Mission Unstapabol: The Don Identity”. Kasama niya sa pelikula sina Vic Sotto, Pokwang at Maine Mendoza.

Mr. Whitebird 2020 kokoronahan na

Ngayong gabi, 9:30 pm ang koronasyon ng Mr. White Bird 2020.

Sino kaya sa mga guwapong modelo ang makakasungkit ng korona? Pasiklaban at pukpukan ang labanan.

Ito ang biggest event ng White Bird Entertainment Bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard malapit sa Baclaran Church.

Para sa ibang detalye, tawagan si Gelli sa 0927-907-4623.