Pinagtanggol ni dating San Beda Red Lions at kasalukuyang NorthPort Batang Pier rookie Robert Bolick ang kanyang girlfriend na si Aby Maraño sa mga kritiko sa pamamagitan ng pagbibigay pa rin ng buong pagmamahal at suporta sa pinagdaraanang karamdamang psoriasis.

Inihayag ni Bolick sa kanyang Twitter account na @BabesBolick na buong buhay niyang aalagaan at susuportahan ang kanyang pinakamamahal na volleyball superstar at hindi tinitingnan kung anuman ang pisikal na maganap sa team captain ng pambansang koponan sa women’s indoor volleyball.

“So what kung may skin disease gf ko, so what? Kahit mataba pa yan kahit abnormal pa yan kahit ano pa yan pag alam ko Aby Maraño pa rin pangalan niyan. Mahal na mahal ko pa rin yan It’s all about how beautiful she is inside, yan pinakaimportante #MYGIRL #MYLOVE #MYBABY @Abymarano,” litanya ni Bolick.

Nagpasalamat naman sa kanyang Twitter account si Maraño sa mga nakaunawa sa kanyang kalagayan at pagtulong para sa ikagagaling ng kanyang karamdaman.

Sinabi ni Aby sa account niyang @Abymarano na, “Thank you to those who sent me ways how to cure Psoriasis specially dun sa mga katulad kong meron din nito Nakakalito na yung mga gamot na sine-send nyo haha pero na-appreciate ko kayo! Nai-ispire niyo ako. Labanan natin ‘to mga swisshh.­ Balat lang to! Bawal ma-STRESS! #LABAN,” panapos niya.