Kahit na nalagasan, Rain or Shine katatakutan

Kumpiyansa ang Rain or Shine na kahit wala na si veteran guard Chris Tiu ay malakas pa rin ang team sa papasok na 44th PBA season.

“We tried to strengthen­ our team, we were able to get two promising, exci­ting players sa draft,” lahad ni Atty. Mert Mondragon, kinatawan ng Elasto Pain­ters sa Board.

No. 6 pick overall ng Pain­ters si JVee Mocon mula NCAA three-peat champion San Beda sa Draft noong isang buwan, isinunod sa No. 8 si JJay Alejandro ng NU.

Naresolba na rin umano ang problema sa pagitan ng coach at mga player.
“May pag-asa kami,” dagdag ni Mondragon.

Siklab ang season-opening Philippine Cup sa Jan. 13 sa Philippine Arena.
Unang sasalang ang Painters sa Jan. 18 kontra NLEX sa Cuneta Astrodome.

Natasahan ang dalawang rookie sa mga tuneup game ng RoS sa Bahrain, nakapagpakitang gilas, bagama’t yumuko ang Pain­ters sa Manama 96-91 at Muharraq Club 67-63.

Nakatapat doon ng squad ni coach Caloy Garcia si Wayne Chism, da­ting import ng Pain­ters.
Nakita ni Garcia kung gaano kaagresibo sa laro si Mocon.

Loaded ang mga guard ng Rain or Shine, makiki­pagkompitensiya si Alejandro ng minuto.

Si third-year guard Ed Daquioag ang posibleng humalili sa binakanteng role ni Tiu. ()