Sumagot na si Michael Jordan sa hamon ni LaVar Ball.
“I don’t think he could beat me if I was one-legged,” buwelta ni Jordan.
Kamakailan lang ay sinabi ni Ball na kung noong kapanahunan niya, tatalunin niya si Jordan sa 1-on-1. Ang ‘di mapigil ang bibig na si Ball ang ama ni Los Angeles rookie Lonzo Ball.
Pagkatapos lumabas ng hamon ni Ball, tahimik lang si Jordan, ang six-time NBA champion na itinuturing ng marami bilang greatest player ever.
Nitong Lunes, nag-post ang BayAreaHQ.com ng video ni Jordan habang kausap ang campers sa kanyang summer youth basketball camp sa Santa Barbara, California.
Maya-maya, naitanong kay Jordan si Ball at hindi na ito nagpigil sumagot.
“You’ve got to understand the source,” ani Jordan. “He played, I think, college. … maybe? He averaged 2.2 points per game. Really?”
Naglaro daw si Ball ng isang season sa Washington State.