Kahit si LeBron ang tropa, Wade si Jordan ang GOAT

Walang kurap na sinabi ni Dwyane Wade na ang greatest player of all time niya ay si Michael Jordan.

Team Jordan si D-Wade.

Bakit hindi si LeBron James? O si Kobe Bryant?

Magkaibigan sina Wade at James, sabay pumasok sa NBA noong 2003 – No. 1 pick si LeBron ng Cleveland Cavaliers, No. 5 si D-Wade sa Miami Heat.

Dalawang championship ang binigay ng tandem sa Heat.

Nadadalas ang question-and-answer sessions ng players (kahit retirado na si Wade) sa Instagram dahil suspendido ang NBA season bunga ng coronavirus disease 2019.

Sumalang din si Wade, nag-take over sa Bleacher Report app at game na sinagot ang tanong ng fans.

Hindi nawala sa usapan ang GOAT.

“Michael Jordan,” sagot ni Wade. “I watched him win 6 titles. My biggest takeaway is the first one they won in ’91. Being a 9-year-old kid, seeing the Chicago Bulls do that – that gave me the vision to say, ‘OK, that’s what I want to do for the rest of my life.’ That’s the feeling I want to bring to this city and my family.”

Tubong Chicago si Wade, kinalakihan ang panonood kay Jordan at sa Bulls. (VE)