Kahit sibilyan niraratrat din ng NPA

Kapwa nasawi ang dalawang sibilyan matapos itong pagbabarilin ng mga rebelde at armadong grupo simula ng unang ideklarang binabawi na ng komunistang rebeldeng CPP-NPA-NDF at pamahalaan ang unilateral ceasefire kung kaya’t muling sumiklab ang karahasan sa Mindanao.

Nakilala ang dala­wang sibilyan napatay sa pangalang Boy Sumambot at Ruben Inido-an kapwa ng Manay, Davao Oriental.

Ayon sa report kapwa pinagbabaril umano ng rebeldeng NPA ang dalawang biktima habang tumatakbo para iligtas ang kanilang mga sarili sa nangyayaring karahasan patungo sa Brgy.Lambog.

Lumilitaw na nangyari ang karahasan sa Sitio Paliwason, Brgy. Lambog Manay, Davao Oriental nang harangin umano ng mga rebeldeng NPA ang isang grupo ng mga sundalo at pulis para lang imbestigahan ang report na may mga armadong kalalakihan umano sa naturang lugar.

Sa nasabing lugar din umano nasawi ang junior Army officer na si 2nd Lt. Miguel Victor Alejo ng 10th Infantry Division.