Kahit sino puwedeng magkampeon — Cone

Inaasahang magiging bakbakan ang nalalapit na pinakaunang kompe­rensiya ng ika-45 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) na All-Filipino Cup base sa grand slam coach at mentor ng Barangay Ginebra na si Tim Cone.

“I think it’s a wide-open field. Probably for the first time in five, six years, the All-Filipino is up for grabs. I don’t think there’s a decided favorite out there but I think any team can step up,” sabi ni Cone, na asam ang tanging titulo na hindi pa napapanalunan ng popular na koponan sa liga na Gin Kings.

Tinukoy ni Cone ang malaking kakulangan sa nagtatanggol at limang beses naging kampeon na San Miguel Beer sa pagkawala ni June Mar Fajardo na nagtamo ng injury sa kanyang binti.

Gayunman, hindi pa rin dahilan ang pagkawala ni Fajardo para sa mga Beermen na inaasahang agad gagawa ng mga paraan para mapanatili nito ang kanilang korona.

“Without June Mar, San Miguel’s still gonna be a great team. They’re well-coached, (SMB coach) Leo (Austria) won five consecutive all-Filipino in a row so obviously, he knows what he’s doing and will think of the right adjustments so you can’t discount them at all. But I still think it’s a little bit wide open at this point,” sabi ni Cone.

Hindi naman maipagkakaila na asam ng Gin Kings na masungkit ang pinakahinahangad na korona sa PBA na inihayag mismo ni Cone sa pagwawagi nito sa nakaraang taon na Governor’s Cup. (Lito Oredo)