Kahulugan ng iyong kilay

Kilay is Life. Iyan na ang motto ngayon ng mga babaeng hindi makakalabas ng bahay kung walang kilay. Pakialaman mo na ang kanyang buhok na itinuturing niyang crown of glory ‘wag lang ang pinakaaayos at pinakaiingatan niyang kilay. Pero ano nga ba ang sinasabi ng kilay tungkol sa iyong pagkatao? Nari­to at alamin mo.

1. Mataas na kilay.Kung ang kilay mo ay mas mataas kaysa pang­karaniwan ito ay na­ngangahulugan na isa kang mapangaraping tao. Hindi ka makukun­tento sa kung ano lang ang naabot mo sa kasalukuyan. Gutom ka sa mas mataas pang panga­rap na posible mo pang maabot.

2. Mababang kilay. Kung may mataas na pangarap ang may mataas na kilay hindi nangangahulugan na ang may mababang kilay ay may mababang pangarap o walang pa­ngarap. Ang ibig sabihin nito ay isa kang mai­ngat na tao. Pinag-aaralan muna ang mga bagay-bagay bago ito harapin. Hindi nagmamadali at palaging naglalaan ng oras para sa iba.

3. Makapal na kilay. Kung ang kilay mo naman ay makapal, ikaw ay active sa sex. Mara­ming nalalaman at ma­rami pang gustong malaman tungkol dito. Sina­sabi rin nito ang mala­wak mong pang-una­wa sa mga bagay na nahihirapang intindihin ng iba.

4. Manipis na kilay. Kung manipis naman ang iyong kilay, ikaw ay malamya, babaeng-babae sa pagkilos at hindi basta-basta nagde­desisyon. Mahilig kang magmuni-muni at takot kang mabigo.

5. Kurbadong kilay. Kung ang kilay mo ay kurbado, ito ay nanga­ngahulugan na isa kang creative na tao. Mala­wak at malalim ang iyong imahinasyon.

6. Tuwid na kilay. Kapag tuwid ang kilay, ikaw ay may mala­king tiwala sa sarili at maaasahan sa mara­ming bagay. Isa ka ring kaibigan na may mabu­ting impluwensiya.