Halos anim na buwan pang maghihintay bago mabinyagan si Kai Zachary Sotto sa NBA G League.
Kasabay ng anunsyo kahapon (Manila time) sa pagbabalik ng 74th NBA 2019-20 sa Hulyo 31, nagpasya naman ang G League na tuluyan nang kanselahin ang ika-19 na edisyon o kagayang taon ng NBA ang kanilang natitira pang mga laro dahil sa Coronavirus disease.
“While canceling the remainder of our season weighs heavily on us, we recognize that it is the most appropriate action to take for our league,” pahayag ni G League President Shareef Abdur-Rahim ng Estados Unidos.
“I extend my sincere gratitude to NBA G League players and coaches for giving their all to their teams and fans this season. And to our fans, I thank you and look forward to resuming play for the 2020-21 season.” saad pa ng opisyal.
Planong magbukas ng 2020-21 regular season sa Disyembre sa halip na Oktubre ang liga.
Kaya sa halip na mas maaga ng taon, sa huling bahagi na makikilatis ang 7-foot-2 Pinoy cage phenom sa G League. (Janiel Abby Toralba)