Kai hahawakan ng Lakers coach

Hahawakan ni dating National Basketball Association (NBA) player at kasalukuyang Los Angeles Lakers assistant coach Brian Shaw ang papaangat na mga manlalaro na sina Kai Zachary Sotto at Fil-Am Jalen Green.

Ito ay matapos na sumang-ayon si Shaw na maging head coach ng G League elite pro team sa ulat ng The Athletic’s Shams Charania kahapon.

Nakatakdang ilunsad ang bagong koponan sa sunod na taon sa Los Angeles na magiging parte ng NBA professional pathway program na magbabayad sa mga elite prospect at pagbibigay ng isang taon sa development program.

Ang mga five-star recruit na sina 7-foot-2 Pinoy phenom Sotto, Green, Isaiah Todd at Daishen Nix, ang ilan lang sa mga manlalaro na nag-commit na sa koponan para sa 19th o 2020-21 season.

Naglaro ang 54-anyos na si Shaw ng 14 seasons sa pitong NBA teams. Nagwagi siya ng tatlong sundo na titulo para sa Lakers noong 1999-2000 at 2001-02.

Matapos magsilbing assistant coach sa Lakers noong 2005-11 at associate coach sa Indiana Pacers noong 2011-13, nag-head coach ng Denver Nuggets noong 2013-15 si Shaw. (Lito Oredo)