Kai mas love ang Tate — mga netizen

Kai mas love ang Tate — mga netizen

‘Di nagustuhan ng ilang Pinoy fans ang biglaang pagkansela ni Kai Zachary Sotto sa pag­lalaro para sa Mighty Sports na kakampan­ya sa 31st Dubai International Basketball Championship 2020 sa United Arab Emirates sa Pebrero 23-Pebrero 1.

Ayon mismo sa team, ‘di na nila makakasama sa torneo ang 7-foot-2 player dahil sa isyu ng logistics at schedule.

Tingin ng mga fan ay mas pinaghahandaan ni Kai ang paglahok sa United States National Collegiate Athletic Association (US NCAA) kaya dinedma ang PH team.

Kakahirang lang kay Kai na MVP ng King Invitational para sa koponang ‘The Skill Factory’ nang mag-average ang 17-year-old hoopster ng 27 points, 10.6 rebounds, 3.0 assists at 4.3 blocks at kargahin ang TSF sa malinis na 3-0 kartada.

“Eligibilty concerns to kaya nag-backout. Malaki mawawala ‘pag nag ineligible siya sa NCAA. Goal pa naman ang NBA which is achievable if NCAA siya,” birada ni @GerryArquillo.

Tweet ni @GerardGatbonton: “Good move yan. Baka mamaya makaapekto pa ‘yan sa Eligibility nya sa US NCAA. Dapat lang.”

“One thing for sure, if he plays in Dubai, his chances and eligibility playing in USNCAA will be in jeo­pardy!” ayon kay @JimmyCoscolluela.

Kasalukuyang naghahasa ng talento ang former Ateneo Blue Eaglet star sa The Skill Factory sa Atlanta at nakipagkita na sa mga pamunuan ng Auburn University, University of Kentucy, Georgia Tech at iba para sa collegiate stint. (Aivan Denzel Episcope)