Agad kinakitaan ng kanyang potensiyal na maging mahusay na manlalaro ang Pilipinong basketball player na si Kai Zachary Sotto sa pagbubukas nitong Biyernes nang may tatlong araw na 6th NBA Basketball Without Borders (BWB) Global Camp 2020 sa Quest Multisport sa Chicago, Illinois, USA.

Isa ang Pinoy cage ‘phenom’ sa 64 na mga batang lalaki at babaeng basketbolista mula sa 34 na bansa na tampok sa event nang nakabase sa Switzerland na International Basketball Federation o FIBA at National Basketball Association ng Estados Unidos.

Matinding kalidad at kahusayan sa maraming aspeto ng laro ang niladlad ni Sotto sa mga drill kung saan positibo ang mga litrato at video clipping niya sa kanyang paglalaro na kumalat sa socmed.

Nakatsikahan pa ng batang Sotto na anak ni dating Phili­ppine Basketball Association journeyman Ervin, sa okasyon ng Toronto Raptors All-Star at NBA champion Pascal Siakam.

Isa si Siakam sa mga coach sa 2020 Camp. Si Siakam ay kabilang din sa mga BWB alumni.

“Sometimes it’s not the game on the court it’s the life that the game brings you. Learn from those that walked before you,” sabi ni Sotto Twitter gamit ang kanyang account na @pskills43.

Nasa schedule ng camper­ sa Day 2 sa Sabado ang pagdalo sa State Farm All-Star Saturday Night at sa 69th NBA All-Star Game 2020 sa United Center. Dadamitan sila ng Nike. (Lito Oredo)