Umiingay na naman ang pangalan ni former Ateneo star Kai Zachary Sotto hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Ito ay matapos magpakitang-gilas sa foreign team na pinaglalaruan ngayong ‘The Skill Factory’ ni Kai, sa isang Atlanta-based developmental league kung saan naghahasa ang Pinoy baller.

Pero nagpapalakas ba siya para maganda ang comeback sa ‘Pinas? O hahabulin na niya ang panga­rap na makapag-National Basketball ­Association (NBA)?

Napapatagal na ang pag-stay sa Estados Unidos ng 7-foot-2 center, at mukhang napapamahal na ito sa foreign league dahil kita sa mga viral videos na mas nagiging mahusay na sentro si Kai.

At sa mga report may pitong paaralan na ang nanliligaw kay Sotto kung saan maaaring maglaro ang Pinoy-protégé sa Uni­ted States National Collegiate Athletic Association Division 1.

Nauna nang nagkainteres sa basketbolista ang Auburn University, sinundan ng Georgia Tech pati ang isang successful college na kabilang sa NCAA na Kentucky, at iba pa.

Kakahirang lang din kay Kai na MVP sa The Skill Factory matapos pangunahan ang ­koponan sa titulo at bitbitin ito sa 3-0 record sa isang mini-tournament dalawang ilang pa lang ang nakalilipas. (Aivan Episcope)