Kai Sotto, Blue Eaglets babawian ang Bullpups

Balik ang aksiyon sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament tampok ang bigating koponan ng National University (NU) at Ateneo sa Ene­ro 13 sa FilOil Flying V Centre.

Salpukan agad ang sinasabing finals contenders na Bullpups at Blue Eaglets sa alas-tres nang hapon.

Nagkagirian na ang NU at Ateneo sa final day ng first round noong Disyembre 15 kung saan angat ang Bullpups sa Blue Eag­lets 78-62. Rematch din ito ng Season 79 title series na pinagkampeonan ng Ateneo sa loob ng tatlong laban.

Sa nasabing panalo, tinapos ng Bullpups ang first round ta­ngan ang top spot na 6-1 card, habang ang Far Eastern University, Ateneo at Adamson ay magkakasalo sa se­cond sa magkakatulad na 5-2 kartada.

Tapatan ulit sina Carl Tamayo at Kai Sotto kagaya sa kanilang first meeting, sila ang top future big men ng Philippine basketball.