Kai Sotto sabak na sa US training

Dumating na sa Amerika ang 7-foot-2 phenom na si Kai Zachary Sotto para doon na mag-ensayo sa loob ng dalawang buwan at simulan ang tahak patungong NBA dream.

Martes ng gabi, oras sa Pilipinas, dumating si Sotto kasama ang kanyang ama na si Ervin para mag-training sa Atlanta, Georgia.

Sa Emory Sports Medi­cine Complex maghahasa ang 16-anyos na manlalaro, na kilalang training facility ng NBA team Atlanta Hawks.

Kung sakali unang masasaksihan at magbubunga ang paghihirapan ni Kai sa Fiba Under-19 World Cup 2019 na gaganapin sa Greece sa darating na June 29-July 7.

Inaasaahan ding niaanunsyo ng tinaguriang ‘Kaiju’ ang kanyang susunod na magiging koponan matapos iwan ang Ateneo program.

Limang European team ang napabalitang nagkainteres kay Sotto. Ang mga ito ay ang Barcelona, Real Madrid, Baskonia, Estudiantes, at Alba Berlin.

Matatandaang unang inihayag ni Ateneo team manager Epok Quimpo na lumipad na noong Disyembre pa-Europa si Kai. Pero ‘di pinabatid kung anong koponan ang pinuntahan sa doon.(Ray Mark Patriarca)