Walang humpay sa pag-eensayo sa kasalukuyan si Pinoy baller Kai Zachary Sotto para mas mapabuti pa ang basketball skills sa tulong ni former National Basketball Association (NBA) player Chuck Person.
Sa Instagram post ng C Person Next Level Development, ipinasilip ng mga ito ang dribbling at shooting training ni Sotto kahit sa kasagsagan ng coronavirus disease 2019.
“He gave me a lot of confidence to trust my shot,” bulalas ng 18-year-old, 7-foot-2 Pinoy cage phenom kay Person, na kilalang “The Rifleman” sa nasabing US major cage league.
Fourth overall pick si Person sa NBA 1986 draft para sa Indiana Pacers at naging Rookie of the Year taong 1987.
“Tinulungan niya ako kung paano maging ready sa shot ko and maging confident. Kaya after ng trainingi simula nang maglaro ako sa TSF (The Skill Factory) last year, ‘yun ang dinala ko sa laro ko,” panapos na namutawi sa lumaktaw sa college ball na si Sotto.
Pinaghahandaan niya ang 19th NBA G League 2020, ang tulay niya para maging unang purong Pinoy na makapag-NBA. (Janiel Abby Toralba)