HAVEY: Isa ako sa mga masaya at magkakaroon na ng launching film si Kakai Bautista.

Mula sa pagiging ekstra at pansahog sa mga pelikula at teleserye, Kakai has found her niche sa teatro at nakilala sa kanyang husay sa pagpe-perform sa musicale na Rak Of Aegis.

Sumali siya sa se­cond season ng Your Face Sounds Familiar pero hindi masyadong nagmarka.

Masuwerte pa rin si Kakai at naging in demand sa live gigs at out of town shows.

Nagkaroon pa siya ng commercial ng donut with Derek Ramsay.

Hanggang sa may nangahas mag-bank roll ng kanyang launching film na isang indie producer sa direksyon ni Lem Lorca.

Thus was born Miss Q & A na mala-Before Sunrise at Before Sunset for Kakai.

Nagkaroon pa sila ng open auditions for Kakai’s leading man daw. OK pa ang mga araw na iyun hanggang sa mawa­ley along the way.

***

Aga Mulach
Aga Mulach

WALEY: Shortly after auditions, it was director Lem upon consultation sa production who called one of my talents directly at ang sabi’y siya raw ang gusto nilang maging leading man ni Kakai.

Ibinigay ang script at sinusubukan naming a­yusin ang schedule pero bago pa kami makarating sa puntong iyun, biglang tumawag sa akin si Lem at inayawan daw ni Kakai ang leading man na gusto ni Direk Lem.

Nagbanta pa raw ito na magku-quit sa project.

Usap-usapan na gusto raw ni Kakai ay mala-Aga Muhlach ang leading man dahil kinilig daw ang lola ninyo nang mag-comment si Aga ng “Puwede ba akong mag-apply?” bilang leading man ni Kakai, that is, sa social media account nito.

Feeling embattled during that time, production was even toying around replacing Kakai na feeling nila ay nagdi-diva na at nagiging difficult to handle.

“Nakakahiya talaga pero either change actor or look for another actress. Hays.. kala ko naman, game na,” message sa amin ni Direk Lem.

In our exhange of messages, Direk Lem even had alternatives in mind like Melai Cantiveros (na sa­yang daw, kasi may punto ang pag-i-Ingles) and Hasmine Kilip (of Pamilya Ordinaryo na suggestion namin bilang Best Actress ng Cinemalaya — pero sabi ni Direk Lem ay medyo bata for the role).

Candy Pangilinan
Candy Pangilinan

Candy Pangilinan’s name was also metioned in our FB exchanges which I saved and was about to change (na naman) until Kakai and her management gave some names ng possibleng maging leading man na gusto nila para kay Kakai.

Surprisingly, they wanted another talent of mine.

Medyo delicadeza at dilemma ‘yun dahil pagkatapos nilang sabihan ang isang ta­lent nang derecho ay papalitan ito ng isang nasa talent management ko pa rin.

Nakiusap na lang nang sobra si Direk Lem at sila na raw ang bahalang mag-explain sa unang ta­lent na ile-let go na nila dahil lang sa ayaw ito ni Kakai (to think na magkaibigan sila nito, ha, at hindi ba’t ang tamang proseso sana ay nag-usap muna silang lahat bago dumerecho sa isang artista only to drop him in the end?).

But it happens in this crazy industry set up.

Hanggang sa nagmakaawa sila na ibigay ko na raw ang isa ko na lang na talent na gusto raw ngayon ni Kakai at ng produksyon. Intindihin na lang daw namin na isinulat ang materyal with Kakai in mind kaya adjust daw talaga sila sa kanya.

We locked in the second option of my second talent being Kakai’s leading man after they have talked directly to the first one na binulabog nila noong una.

At nang magmi-meeting na dapat si Direk Lem with the actor at um-OK na kami sa storycon at look test na dapat ay nangyari noong nakaraang linggo, here comes their coordinator sending me this message.

“Good afternoon po Sir Noel. Sorry po, hindi po kase talaga nagsasakto ‘yung schedule po (ni Kakai at nitong 2nd actor). “Sobrang hirap po nila hanapan ng sakto sa sched ng isa’t isa. Need na din po namin mag-shoot agad kase gusto po ipasa ng produ­cer sa MMFF ‘yun film and we can’t afford na po so many delays.

“Sorry po hindi na namin afford hintayin po (ang aktor). Pasensya na po talaga. Babawi nalang po kami sa inyo po.

“Tri-ny na rin po namin po pakiusapan si Kakai para mag-adjust ng ibang sched niya po kaso hindi na rin po kaya.

“Ilang adjustment na rin po ‘yung ginawa namin kaso hindi po talaga mag-meet ‘yung mga schedule nung dalawa.

“Need din po tapusin na rin ni Direk Lem po to kase may gagawin po siya na movie rin po sa Viva. Sobrang nahihiya po ko sa inyo sir. Sorry po ta­laga. Bawi nalang po kami talaga next time.

“Sir kung kami po gusto po talaga namin si (aktor), Kaya nagtanong din po kami ng availability niya for November kase sa amin lang, hindi na po talaga kakayanin for MMFF.

“Kaso po gusto po talaga ihabol ng produ­cer sa MMFF. Alam ko po sobrang nakakahiya po.

Kaya sobra rin po kaming humihingi ng sorry po sa inyo,” ang sabi ng Production Coordinator na si Kat.

Una, naniniwala kami na kung gusto, may paraan; kung ayaw, may dahilan.

Kung ayusan lang ng schedule ang isyu, madaling gawin ‘yun dahil ‘yung kasama nga ng kinukuha nilang aktor, nakapagpaalam sa teleserye at nakagawa na ng dalawang pelikula at nakapaglagare ng taping at shooting.

Ikalawa, sa ibinigay na shooting dates ni Kakai, imposibleng matapos ang pelikula niya sa MMFF deadline na October 31.

And my biggest beef with this production is that, kung may ganito palang isyu sa schedule at ibang considerations, manong naging mas transparent sa negotiations at nagsabi na lang na they are considering getting another actor na lang — hindi ‘yung nakabitin lahat at mukhang kami pa ang naghahabol nga­yon gayung sila ang nagmakaawa noong una pa para i-accommodate sila.

Well, whatever it is that the production is going through, for all I know and for all I care ay malamang may nahanap na kayo na better option.

Sana lang ay naging mas maayos ka­yong kausap than how you were to us.

Sorry but this doesn’t reflect well on your production and of you Kakai.

Good luck na lang!

***

For your comments, opi­nions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.