Kakai, malakas ang hatak sa mga lalaking banyaga

Kakai Bautista

MATAPOS paiyakin ni Mario Maurer at paluhain ni Ahron Villena… teka! Teka! Teka!

Mukhang ang dental diva na si Kakai Bautista, aribang-ariba ang karera.

Aside from playing support sa Imagine You and Me at sa paparating na Enteng Kabisote 10, kontra-diva sa Conan My Beautician at ni-revive ang beki anthem na Bakit Nga Ba Mahal Kita… matuk astorga ninyo, magkaka-solo movie na si Bautista?!

May pa-contest pa kung sino ang dapat nitong ma­ging leading man sa kanyang forthcoming launching movie na ang direktor ay si Lem Lorca.

Si direk Lem ang directed by behind the criticall­y acclaimed Water Lemon, Mauban at ang polari­zing na Echorsis.

Kung ako ang tatanungin, ang dapat na maging kapareha ni Bautista sa kanyang pers lead movie ay ang I Love OPM winner na si Yohan Hwang.

Cuteness talaga itong si Yohan. Pang-Korean wave leading man ang arrive at pwedeng main man of a K Pop band.

May cross over appeal pa si Hwang. Pwedeng pang-international ang kanilang team up ni Kakai, just in case.

Sa land of the morning calm and the rest of the Asian territories like Singapore. Taiwan, Hongkong and Japan, bet na bet ang odd pairings.

Think Kim Sam Soon, Attic Cat or Meteor Garden.

Hindi kagandahan ang bidang babae pero nag-fall ang heartthrobs na sina Kim Rae Won, Hyun Bin at nag-agawan pa sina Jerry Yan at Vic Chou sa kanilang respective leading ladies sa dramas nila.

Panalo rin kung si Ryan Gallagher, na mula rin sa program where Yohan won ang possible na ka-pair ni Kakai.

East meets West ang drama at alam natin na ang men from the US, may penchant for exotic women.

At totoo naman, exotic na exotic ang nag-iisang Kakai Bautista.

Gallagher is oh so freaking hot in all Ameircan boy kind of way.

Parehong mahusay na mang-aawit sina Hwang at Ryan at hindi rin matatawaran ang husay ni Bautista sa pag-awit kaya swak na swak kung sino man sa kanila ang pipiliin.

At hindi mahirap i-suspend ang disbelief, kasi, foreigners ang ito.

Malakas ang hatak ni Bautista sa mga hombreng mula sa ibang bansa.

***

Sa Pinoy hamsters — meaning mga lalaking artistang hamong umarte — pasok sa banga na ma­ging leading man ni Kakai si Rainier Castillo.

Dental Diva si Kai, killer smile si Castillo.

Ang original StarStruck first prince, may seeming innocence and purity na pwedeng itapat sa seeming innocence at purity ni Mario Maurer.

Ang pagiging vertically challenged ni Rainier, bagay na bagay sa petite na si Kakai.

Ang problema lang kay Castillo, isa na siyan­g the WHO.

Eh kung si Steven Silva na lang kaya na Korean-looking din? Naku, masakit man sa akin, huwag na siya.

The WHO to infinity and beyond na si Silva noh!

Congrats, Kakai!

Ikaw na talaga! Ang ganda mo, neng!