MS Q AND A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Lovelife? ang pamagat ng launching movie ni Kakai Bautista.

Yes oh yes, ang nag-iisang Dental Diva is ready for her close up.

Ano ba ang reaksyon ni Kakai nang lumapit Ms. Q and A team at sinabi nilang may launching movie sila for you?

Handa na ba siyang pakawalan ang mga linyang, “Ang mga tala — mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga taga-Bangkok!”

Hahahahaha!

Maagap with matching halakhak na reaksyon ni Bautista, “‘Di ako naniniwala. Hahahaha! ‘Di ko iniisip! Hahahaha! Kasi nga ang hirap isipin.

“Totoo na ba ito, dyosa? Biglang na-pressure ako, eh. So, kailangan kalma lang at magpasa­lamat.”

Pa-girl ang sagot, huh!

“Hindi! Hindi bagay ang pa-girl! Hahahahaha! Hindi na ako humihiling ng kung anik anik kay God, lagi ko na lang sinasabi na Thy will be done, Your way is my way.”

Ang puso niya ang handa niyang ibigay at ipakita para sa Ms. Q and A.
“May iba pa bang dapat ipakita? Handa ba sila? Hahahahaha!”

May press release na lumabas sa FB tungkol sa nalalapit na pagbibida ni Kakai.
Ang banner, “Kakai leading man wanted for first film.”

Ang tumbling moment tungkol sa posting, si Aga Muhlach lang naman ang nag-react. Sabi ni Papa Morning sa thread, “Pwede mag-apply???”

Ang reaksyon ni Bautista, “Juskow. Paano? Hahahaha.”

Aga Mulach
Aga Mulach

Ang react ulit ni Muhlach, “Kahit extra Lang! Ex na naghahabol! Haha! Congrats”

Ang haba ng hair ni Kakai. Pati si Aga, game na makapareha siya. Ang taray!
Halimbawang si Aga ang magiging leading man mo, paano mo siya paghahandaan?

Agad-agad na sagot ni Kakai, “Juskow, Alwin. Muntik nga akong himatayin sa reaction niya sa thread! Hahahaha! Kung mangyayari… waaah.

“Baka kailangan mas handa si Kuya Aga. Handa ba siyang makafez to fez ang pagmumukha kez? Hahahahahahaha!”

At ang iba pang leading men choices niya ay sina…?

“Alam mo naman na hindi ako choosy. Pwede na si si Ian Veneracion at si PAPA P. Susme. Bwahahahahahaha!”

Siempre, marami ang natutuwa sa biggest career break niyang ito. Ano naman ang message inggit na inggit at poot na poot na bida ka na?

“Hahahahahaha. DEDMA. Hahahaha! Thank you sa suporta dyosa. Si God to, walang iba. Kung dito niya ako ilalagay, Siya ang bahala.”