
APPLAUDED si Kakai Bautista sa Big Mouth, Big Heart, Big Night concert ni Martin Nievera nu’ng Sabado sa Metrotent, Ortigas.
Kung hindi si Martin ang star of the show ay parang swak din kay Kakai ang pamagat ng show dahil sa laki ng bibig nito.
Sa duet nila ni Martin ay may hirit si Kakai na muntik na niyang maisubo ang mikropono sa laki ng bunganga niya.
First time ni Kakai maging guest ng Concert King, pero pinabilib pala niya si Martin nang mapanood siya nito sa hit PETA musical na Rak of Aegis.
Feeling-Regine Velasquez ang Dental Diva nang mag-duet sila ni Mart ng Forever. Kilig na kilig ang Kakai at panay ang tili dahil naka-share niya ng stage ang Concert King.
Itinuloy ng hitad ang pagpapaka-Songbird nang awitin niya ang Shine. Parang ang lambut-lambot at pinung-pino si Kakai habang kinakanta niya ang hit song ni Regine.
In fairness, bukod sa ang ganda ng quality ng boses ng ex-friend ni Ahron Villena ay keri niyang ibirit-birit ang matataas na nota.
Ang NOTA kaya ni Ahron, kinaya niya?!
Charr!!
Mas nabuhay ang crowd sa kanyang Aegis medley at swak ang pag-awit ni Kakai ng Basang-Basa Sa Ulan dahil wagas ang buhos ng ulan nu’ng gabing ‘yon.
Nang magsimula ang show ni Martin ay umuulan na. Tapos na ang show ay sige pa rin ang iyak ng langit.
Eksaktong 35th year ni Martin sa showbiz nu’ng araw na ‘yon, August 19.
Nasa audience ang non-showbiz girlfriend ni Martin, na dahil hindi kilala ng fans ay hindi sila aware na nobya ng Concert King ‘yung isang girl na nilapitan at hinalikan nito.
Obvious na love na love ni Martin ang kanyang girlfie at mukhang very happy sila sa kanilang tahimik na relasyon.
Isa pang guest ni Martin that night ay ang rave na rave ng kaibigang Gorgy Rula na si KZ Tandingan.
Kabogera kasi talaga mag-perform si KZ, na natuwa ang fans nang awitin ang theme song ng megahit indie film na Kita Kita na Two Less Lonely People in the World.
Parang kahit anong ipakanta mo kay KZ, kaya niyang bigyan ng bagong buhay at nagagawa niyang kanyang-kanya ‘yung song na ‘yon.
‘Yung Rolling in the Deep ni Adele ay nilagyan niya ng rap part kaya mas bongga.
Panalo ang mga vocal paandar ni KZ na unique ang boses at hindi nanggagaya lang ng kung sino.
Lalo pa siyang naging unique sa bago niyang look na pa-dreadlocks na blonde.
Bilib kami sa mag-asawang Anthony at Rossel Taberna dahil santambak ang sponsors ng show, na hindi basta-basta ang tiket na P5,500 each with dinner.
Bale ito ang 11th anniversary show ng Outbox Media ni Rossel. Part ng proceeds ng concert ni Martin ay napunta sa pagtulong sa mga Katutubong Dumagat na nasa Barangay Calauis sa bulubundukin ng Antipolo.