PAREHO ng manager sina Ahron Villena at Kakai Bautista kaya nagkalapit sila.
Pero nagkaroon ng gusot sa kanilang pagitan. Nagkalayo sila.
Matagal-tagal bago nagkasundo silang muli.
Sandali lang ang pagkakaayos nila at sumiklab muli ang giyera.
Bonggacious ang hanash ni Ahron kontra kay Kakai, “Never naging tayo!”
Ewan kung ang isang tweet ni Kakai ay parunggit kay Ahron, “Wise men don’t waste their time and energy on insignificant things.”
Magdeklara kaya ng ‘Martial Law’ ang kanilang manager para sa tigil-putakan?!
Martial Law agad?! Hindi ba pwedeng ‘ceasefire’ muna?!