Kakasuhan sa ‘di pagbabayad ng obligasyon

Clear It by Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,

Good day po, gusto ko lang pong itanong ‘yung about sa motor ko. Nawalan po ako ng trabaho mag-2 months na po, 3 months ko po hindi nabayaran motor, sabi po ng provider ko ng motor. Pakakasuhan daw nila ako kasi daw parang ninanakaw ko daw po ‘yung motor. Dati po nagbabayad ako at updated tapos sa record po nila ay 2 months daw pong delayed pero updated naman po ang payments ko, ngayon kakaladkarin daw nila ako at kakasuhan sa kadahilanang tinatago ko daw po ‘yung motor samantalang alam naman po nila address at cellphone number ko.

Tanong ko po, may maisasampa po ba silang kaso para sa akin?
Salamat po,
James

Mr. James,
Totoo na maaari kang makasuhan dahil sa hindi mo pagbaba­yad ng iyong obligasyon. Ang hindi mo pagkakaroon ng trabaho ay hindi nila concern o problema dahil ang tanging kontrata mo sa kanila ay magbayad ng iyong obligasyon dahil nasa iyo ang motor at iyong napapakinaba­ngan.

Ang pananakot na kakaladkarin ka ay hindi naman mangyayari. Hindi ka naman makakasuhan ng carnapping dahil may contract ka naman ng bilihan sa kanila.

Ang maikakaso nila ay ang complaint for replevin. Ang reple­vin ay isang proseso kung saan humihiling ang nagrereklamo na maibalik sa kanya ang personal na gamit tulad ng kotse dahil sa nanatiling nasa posesyon ito ng taong hindi na ligal ang paggamit o pagposesyon.

Kapag nanaig ang nagrereklamo at pina­yagan na ma-issue ang Writ of Replevin ay ipapa-surrender ng korte ang motor upang maibalik sa nagre­reklamo lalo pa at nagpatuloy ang hindi po pagbabayad.

Kapag naibigay na ang motor sa nagre­reklamo ay maaari na niyang ibenta ito o ipasubasta at kung kulang ang halaga ng pagbebenta ay maaari ka pang si­ngilin sa kulang ng kaubuang utang mo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 922-0245 at 410-7624 o mag-email sa attorney@gmail.com.