Ang tindi na pala ng problema sa iligal na droga sa ating bansa.

Hindi pa natin ito malalaman kung hindi sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

Kasunod ng pinalakas na kampanya ng gobyerno ay nagsunud-sunod na ang mga operasyon laban sa sindikato ng iligal na droga.

Kaliwa’t kanan ang mga tumimbuwang na sinabayan ng boluntaryong pagsuko ng mga sangkot sa iligal na droga na kinabibilangan ng mga user­ at pushers.

Nitong huli ay may mga lumutang ng mga pulitikong may kaugnayan sa ope­rasyon ng iligal na droga sa bansa, kagaya ng naunang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ibubunyag siyang pangalan ng mga mayor, gobernador at kongresista na sangkot at nagbibigay proteksyon sa operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Ang kalagayan ng bansa ay tunay na nga palang nakakabahala dahil maging mga pinagkakatiwalaan nating mga lider na iniluluklok natin tuwing eleksyon ay sangkot sa iligal na operasyon ng iligal na droga.

Pero ipagpasalamat na rin natin dahil isang katulad ni President Duterte na galit sa iligal na droga ang naluklok kaya ganun na lamang ang kanyang sinse­ridad na tuldukan ang problemang ito.

Kaya naman sa kabila ng lahat ng ito ay may nakikita pa kaming pag-asa na mabago pa ang ating bansa upang mawala ang iligal na droga dahil ito talaga ang pangunahing sanhi kaya nakakagawa ng malalagim na krimen ang ilan na­ting kababayang nalululong sa iligal na droga.

Higit sa lahat, ibigay natin ang suporta sa labang ito ng ating gobyerno sa isang kondisyon na kailangang dumaan ang paghatol sa mga sangkot sa iligal na droga sa tamang proseso.