
Isa sa ipinagmamalaking bentahe ni WBO welterweight champion Jessie Vargas (27-1) sa nakatakdang pakikipagsagupa kay Filipino ring icon Manny Pacquiao (58-6-2) ay ang kakayahan niyang lumaban sa mga kaliwete (southpaw).
Noong 2014, tatlong kaliwete ang nakalaban ni Vargas — Khabib Allakhverdiev, Anton Novikov at Antonio deMarco — na pawang tinalo niya ng unanimous decision.
“Definitely it has helped me a lot and not only that but we have several times prepared for it.
We have long term sparring partners that will help me prepare for but definitely those experiences will help me prepare for it,” pahayag ni Vargas sa panayam na lumabas sa BoxingScene.com.
Sa Nobyembre 5, sasabak si Vargas sa pinakamalaki niyang laban na magaganap sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.
Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Vargas, matapos ang matagal nang pagsusumamong isabong siya sa mga kagaya nina Juan Manuel Marquez, Danny Garcia at maging ang pakiki-rematch kay Tim Bradley.
“More than anything I would say I am happy because this fight came at the perfect time and the perfect moment.
A moment where I have a great team behind me where they are bringing out the best in Jessie Vargas and you still haven’t see the best that I have to offer but you will see it on November 5th.
That is for sure without a doubt,” lahad pa ni Vargas, na sinimulan na ang pag-eensayo.
Samantala, pagkatapos ng kanyang trabaho sa Senado kahapon, nagtungo si Pacquiao sa Elorde gym na malapit sa MOA at sumabak na rin sa ensayo bilang paghahanda kay Vargas.
♥♥ GO PACMAN GO♥♥