Nagkaaberya ang linya ng PLDT na pinapatakbo ng negosyanteng binatang si Manny V. Pangilinan kaya atrasado ang pagbukas ng trading sa Philippine Stock Exchange (PSE) kahapon nang mahigit isang oras.

Sa PSE nagbebenta at bumibili ng shares of stock sa mga pinakamalalaking kompanya sa Pilipinas para sa mga nais makabakas sa kita nito, kasama ang PLDT.

Alas-9:30 ng umaga dapat nagbukas ang trading at ­natatapos ito ng alas-3:30 ng hapon.

Kahapon bandang alas-10:15 na ng umaga nagsimula ang trading na kinadismaya ng mga stock broker na atat mag-trade dahil galing sa long weekend.

Ayon kay PLDT public affairs head Ramon Isberto, ni-report ng PSE ang problema sa ePLDT at kinukuha pa niya ang detalye.

Usap-usapan din ng mga broker na maaaring migration sa bagong sistema ang naging problema.

“The market opening at the Philippine Stock Exchange was delayed due to the failure of telecommunication line connecting PSE’s data centers, production and discovery sites,” sabi ni PSE chief operating officer Roel Refran sa isang public advisory.

Sinunod naman ng stock market ang regular na ­trading hours nito sa buong araw.