Kaligtasan ng mga fan una sa pro league

Una sa lahat sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng fans.

Kaya siniguro ng liga na nakalatag na ang safety measures sa pagbubukas ng 45th season sa Linggo, March 8, sa gitna ng coronavirus outbreak.

Ni-require ng PBA ang venues na pagdarausan ng games na mag-provide ng medical supplies tulad ng thermometer scan, hand sanitizer o alcohol para sa viewing public.

Sa Smart Araneta Coliseum ang season opener tampok ang nag-iisang laro ng defending champion San Miguel Beer at Magnolia sa rematch ng kanilang Philippine Cup finals noong nakaraan.

“Yes, usapan na namin sa mga venue na sila ang magpo-provide nu’n (medical supplies),” wika ni commissioner Willie Marcial kahapon. “Malaking bagay ‘yun. Tayong mga Pilipino, nag-iingat din.”

Sa annual planning sa Milan, si Marcial din ang nag-suggest na mula sa dating March 1 na iskedyul ng opening ay ipagpaliban nang isang linggo.
“Na-suggest ko ‘yun na i-delay muna para malaman natin kung ano ang mangyayari. Sa tingin ko nakabuti naman,” aniya.

Dahil sa postponement ay posibleng hu­maba muli ang season.

“Baka umabot na tayo hanggang February. Malaking bagay ‘yung isang linggo,” dagdag ng commissioner.

Walang kaso ‘yun sa PBA, basta sa safety ng fans. (VE)