Kalikasan nanganganib ulit sa mga plunderer

Ipinagluksa ng ilang kongresista ang pag-­reject ng makapangya­rihang Commission on ­Appointments (CA) sa appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Bayan muna party-list Rep. Carlos Zarate, natatakot ito na mu­ling babalik ang mga plunderer sa kalikasan ngayon na tuluyang ibinasura ng komisyon ang appointment ni Lopez.

“This is certainly a blow in the fight against the plunder of our natural resources and protection of our environment,” ani Zarate kaya nanawagan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng katulad ni Lopez na handang makipaglaban sa mga destructive mining at corporate greed.

“We lost a staunch protector of the environment in government. I look forward to seeing Ms. Lopez lead civil society in safeguarding the nation’s environment and natural resources,” reaksyon naman ni Kabayan party-list Rep. Harry Roque.

Para naman kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, pinakamalungkot na araw para sa kalikasan ang nangyari kahapon sa CA dahil nawawala ang taong nagtatanggol sa kalikasan na inaabuso ng ­mining companies.