Kinakabahan ang makakaliwang grupo sa appointment ni dating Armed Force of the Philippines (AFP) Chief of Staff Roy Cimatu bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang appointment ni Cimatu bilang “as potentially disastrous” hindi lamang umano sa kalikasan kundi sa karapatang pantao.
“His appointment as acting DENR chief is potentially disastrous not only for our environment and remaining natural resources, but more so to the human rights of our people, particularly the Lumads and national minorities,” ani Zarate.
Ang isa sa mga apektado, aniya, sa mining activities sa bansa ay ang mga katutubo na inaagawan ng lupain at nasisira ang kapaligiran na pinagkukunan ng mga ito ng ikinabubuhay.
Dahil dito, hindi umaasa ang mambabatas na mapoproteksyunan ni Cimatu ang interes ng mga katutubo lalo na’t ang opisyal ang nagpatupad umano ng madugong Oplan Bantay-Laya sa ilalim ng administration ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
“Aside from the fact that the posts of pro-US militarists and neo-liberals in the Duterte cabinet increases with his appointment, with his tainted record, the interest of destructive mining companies may have been ensured,” ayon pa kay Zarate.
Ganito rin ang pinangangambahan ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus na hindi na umano magtataka kung lalong lalala ang mapanirang pagmimina sa bansa sa ilalim ni Cimatu.
Subalit ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dapat aniyang bigyan ng pagkakataon si Cimatu na ipakita ang kanyang kakayahan na protektahan, hindi lamang ang kalikasan kundi ang interes ng mamamayan.
“A nationalist par excellence, I am confident that he will use the law to further the interests of the people and promote sustainable developments in the country,” ani Barbers.
Kapag tahimik ang grupo ng mga mining,nagkaayusan nah.plantsado na.Ang plantsado na,balikatan excercise droga ni peter lim,droga ng mga high profile sa bilibid,mining,susunod gambling naman..