‘Di naging productive si team captain Desiree Cheng para ipanalo ang La Salle Lady Spikers kontra Far Eastern Lady Tamaraws sa UAAP season 81 women’s volleyball tournament second round eliminations nitong Linggo sa The Arena, San Juan.
Tanging dalawang puntos lang ang naiskor ng graduating hitter, labas pasok pa sa dalawang huling set ng laban na pinagwagian ng FEU, 25-22, 13-25, 15-25, 27-25, 15-8.
Ibinahagi ni La Salle coach Ramil de Jesus ang dahilan, ito ay matapos makalmot ang open spiker ng isang ligaw na pusa malapit sa tinutuluyang dorm nito.
“Nung weekend kasi, nakalmot ng pusa tapos nagpa-vaccine. ‘Di pinag-ensayo nang ilang araw so kanina, medyo mababa (ang laro),” kuwento ni coach De Jesus.
Pero ganun pa man, malaki pa rin ang tiwala ng multi-titled coach sa kanyang manla lalo na’t kakailanganin ng koponan ang puwersa at leadership ni Cheng para sa kanyang teammates.
Makakaharap ng defending champions para sa battle for 2nd seed at twice-to-beat advantage ang UST Golden Tigresses sa Miyerkoles, 3:30pm na gaganapin sa FilOil Flying V Centre. (Janiel Abby Toralba)