Prayoridad ni senatorial candidate Doc Willie Ong na magamit ang kanyang kaalaman sa panggagamot para maisulong ang kalusugan sa lahat ng mamamayan.

Si Doc Ong na dating consultant ng Department of Health (DOH), ay masigasig na na­ngangampanya para sa senatorial election sa Mayo 13.

Hindi siya tumatanggap ng campaign donation sa halip ay umaasa sa grassroot support at social media para maisulong ang kanyang se­natorial bid.

Ang katuwiran ni Doc Ong ay mas gugustuhin pa niyang gumastos para sa mga pasyenteng na­ngangailangan ng tulong sa halip na maglustay ng pera para sa kanyang campaign advertisement.

Nakasentro ang pla­taporma ni Doc Ong sa kanyang propesyon bilang isang doktor na handang tumulong sa mamamayan para sa maayos na kalusugan.