BABY BOY at BABY GIRL na ang tawagan nina Maine Mendoza at Alden Richards kahapon matapos silang opis­yal na maging magkasintahan nu’ng Huwebes sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kilig-kiligan si Lola Tinidora (Jose Manalo) para kay Meng kaya tinanong nito kung anong nara­ramdaman ng dalaga after nitong sagutin si Alden.

“Lola, iba siyempre kapag totoo na. Kami na nga po kahapon, sinagot ko na po siya,” sey ni Meng, na OA ang kilig ni Lola Tinidora kaya ginaya ito ni Menggay na kunwari ay nangingisay sa sobrang tuwa.

“Lola, ano ba, nakakahiya?” pa-girl na hirit ni Meng.

“Lola, ang tagal po nating hinintay ‘to. Isang taon, eh,” pakli pa ng other half ng AlDub/MaiDen loveteam.

Nang ipakita na si Alden doon sa studio, ang una nitong sinabi ay, “Maine, thank you.”

“Thank you saan,” tanong ni Menggay.

“Sa pagtanggap sa akin sa buhay mo,” sagot ni Tisoy.

Nagbigay ng mensahe si Lola Nidora (Wally Bayola) para sa Pambansang Bae…

“Alden, ngayong opisyal na kayo na (ni Maine), mas pagtibayin n’yo pa ang inyong relasyon. Ituring n’yo ito na bago n’yong simula.

“Alden, para sa inyong dalawa ‘to. Marami pa kayong pagsubok at problema na pagdadaanan. Basta lagi n’yo lang iisipin ang pagmamahal n’yo sa isa’t isa.

“Gaya ng sabi ko, mahalaga ang tiwala at respeto. Ano mang kahinaan ng isa, maghawak-kamay kayo.

“Gawing lakas ang isa’t isa para malampa­san ang ano mang kinakaharap n’yo.

“Alden, nandito lang kaming mga lola n’yo para patuloy kayong gabayan.”

Tugon ni Alden, “Sa­lamat po, mga lola. Alam n’yo po, naging mala­king bahagi rin po kayo sa naging pagmamahalan naming dalawa.”

“Maine?” pakli ni Tisoy.

“Baby Boy?” sagot ni Meng, na ikinangiti at medyo ikinabigla ni Alden.

Alden Richards
Alden Richards

Natawa si Allan K at ang iba pang mga Dabarkads sa studio, kaya pina-take two nito kay Meng ang ‘Baby Boy.’

May kasamang pagpapa-girl ang pagtawag ni Menggay kay Tisoy ng ‘Baby Boy.’ Bilang sagot ay tinawag din siya ni Alden ng ‘Baby Girl.’

Hirit ulit ni Tisoy, “Pangako, iingatan ko kung anong meron tayo ngayon.”

Sagot ni Meng, “Sala­mat Alden, ha? Salamat, kasi hindi ka nagsawa maghintay. Hindi ka sumuko sa mga pagsu­bok, kaya thank you.

“Eto na, dumating na ‘yung tamang panahon. Mga lola, thank you rin po sa inyo.”

Mukhang totoong ta­tapusin na ang kalyeserye dahil kahapon ay may tiket na ang dalawang lola papuntang Amerika. Babalik na sila roon para sa Amerika na manirahan.

Sa tanong ng isang fan sa ASKfm ay ‘yun din ang sinabi ni Maine.

“The end is near. As in ayan na, tanaw na tanaw ko na!” ang dayalog ng dalaga.

Ngayong totoha­nan na ang relasyon nina Alden at Maine, tama lang din na tapusin na ang kalyeserye at mag-umpisa na ng pani­bagong kabanata sa buhay ng dalawa.

9 Responses

  1. Talagang masusuka ka at magsasawa kayo, kasi nag level-up na kinaiingitan ninyo. They have achieved as phenomenal loveteam, sinuportahan ng aldub nation, tapos malalaos lang ng ganon? We will support them in their new projects.
    Dapat lang, tapusin kalye serye, we are looking forward to different projects, more breaking records for them.

    1. Itong putaret at Dimple Gallego nakakaawa sobra ang pagka ampalaya sobra ang bitternes sa katawan bat di na lang kayo matuwa sa achievement nila at mga utak talangka kayo.

    1. heheheh KAHIT NA ANONG GAWIN mo, KAHIT PA MAGBIGTI KA PA, ang PAGIGING SIKAT ng ALDUB di MO MAPIPIGILAN…hehehehe O balik KA na sa panonood ng SHOETAE..TAPOS pila ka sa opisina ng BRAND X may PINAMIMIGAY na ticket para sa movie ng BARTOLINA..ahihiihihihihihi