DUMALO si Kim Domingo sa Viral Fest 2017 sa Bangkok, Thailand kung saan nagtipun-tipon ang mga social media influencers ng Asya.
Kasama sa line up ng mga artists doon ang Korean superstar na si Rain.
Sosy!
***
Excited si Bea Binene sa mga ginagawa niyang stunts sa Mulawin vs. Ravena.
Bukod sa training na nakukuha niya para sa show ay sumali rin siya sa ibang martial arts training.
Gusto niyang maging physically active.
Aniya, nakakatulong ang training lalo na sa mga eksenang kailangang naka-harness.
Binunyag pa ng Kapuso actress na kailangang abangan ang isang Mulawin sport na ipapakilala sa palabas.
Para itong soccer pero nasa ere.
‘Tsura ng quidditch sa Harry Potter novels/films!
***
Bawal ang mga manang at timang sa Beyond Naked Buddies V2 sa Sabado (Hunyo 10) nang 9:00 PM sa The Music Hall, METROWALK, Meralco Av., Pasig City.
Nakakapanginig kasi ng kuyukot ang payanig dito ng indie actors na sina JM Martinez at Neil Suarez, at panauhin ang Bikini King na si Allen Molina.
Tsalap-tsalap ang Felix Bakat dito nina Curt del Rosario, Ecekiel Biri, Venz Wayland, Francis Cruz, Christian Edward Martin Noel, King Aquino, Bralle Ramos, Loy Manalo at Benjie de Guzman.