Kamara labu-labo sa barangay election

barangay-election-registration

Tutol ang tatlo sa limang deputy speaker sa Kamara na ipagpaliban ang barangay election sa Oktubre.

Gayunpaman, sa pang­kalahatan ay mas marami sa mga miyembro ng super majority ang gustong i-postpone ang barangay elections.

Pero ayon kay Deputy­ Speaker at Capiz Rep. Fred Castro, dapat ituloy ang barangay elections para magkaroon ng pagkakataon ang publiko na makapamili ng mga mamumuno sa kanilang mga barangay at mapalitan ang mga tiwaling opisyal.

“Well, personally, dapat timbangin ang dahilan kung bakit i-postpone ang eleksyon. Sapagkat kung ako ang magbibigay ng aking sariling opinyon ay hindi ako papayag na ang barangay election ay i-postpone sapagkat kailangan na magkaroon na tayo ng tinatawag na judgment day.

Nakita natin na marami nang abusadong barangay officials. Ang ibang barangay officials ay nagagamit sa krimen, ang ibang barangay officials ay nagagamit na mga runners ng mga drug operation, drug trafficking business and any other vehicles of criminality.

Mayroon pang mga barangay officials na talamak na rin ang corruption sapagkat hindi sila nagagalaw at mayroon ng mga barangay officials na hindi napapakinabangan sapagkat ang kanilang interes, entusiasmo ay nawala na sa paninilbihan sa kanilang barangay,” paliwanag ng solon.

Suportado ni Deputy Speaker at Marikina Rep. Miro Quimpo ang posis­yon ni Castro.

“Sinususugan ko iyong sinabi ng ating kasama… mandate given by the electorate. So, unless mayroon pong napakabigat na dahilan, ayon sa panana­naw ko rin po ay hindi na po dapat itong ipagpali­ban,” pahayag ni Quimbo.

Balak naman ni De­puty Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na iatras na ang kanyang resolus­yon na nagpapa-postpone ng halalang pang-barangay.