Kamara may espesyal na pag-alala kay Rep. Batocabe

Mag-aalay ng necrological service ngayong umaga, Enero 14, ang Kamara para kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang maybahay ni Batocabe na si Girtie at dalawang anak na sina Atty. Jhustine at Khiel.

Pangungunahan ni Kabayan Party-list Rep. Paul Hernandez ang invocation.

Sisimulan ang programa dakong alas-10:00 ng umaga kasunod ng misa sa Plenary Hall ng Kamara.

Matatandaan na si Batocabe at police escort na si SPO1 Orlando Diaz ay pinatay noong Disyembre 22, 2018 matapos mamigay ng mga regalo sa mga kababayang may kapansanan at mga senior citizen sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay.

Itinuturong mastermind sa krimen si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.