Mistulang sinakluban ng langit at lupa ang mga magulang ng isang 19-an­yos na binatilyo na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa mismong harap ng kanya ama at ina ng riding-in-tandem criminals sa Quezon City kahapon.

Sa report ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) nakilala ang biktima na si John Kenneth Clariño y Estrada, ng No.8 Sinag Tala St., Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Nangyari ang insidente dakong alas-nuwebe ng gabi sa Quezon City Polytechnic University sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City habang nagla­lakad papauwi ang biktima kasama ang ama at ina na sina Edgar at Eva Clariño ng mula sa likuran ay biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ng back rider na suspek ang biktima sa harap ng mga magulang nito.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang pakay ay saka mabilis na tumakas ang mga sa hindi malamang direksyon.

Agad namang sinaklolohan ng mag-asa­wang Clariño ang kanilang anak at mabilis na dinala sa East Avenue Medical Center (EAMC) su­balit idineklara itong dead-on-arrival.

One Response