Kambal na aberya

Dear Abante Tonite:

Isang magandang araw sa ating lahat!

Kahapon ay halos sabay na nagkaaberya ang LRT-2 at MRT-3. Kung tutuusin, hindi na bago ang ganitong problema sa sitwasyon ng mga tren sa ating bansa. Halos araw-araw na itong nangyayari na mas nakakapanibagong marinig na naging maayos ang biyahe ng mga tren at walang naging aberya.

Kaya nga nagtitiis ang mga tao sa siksikan at mainit na tren ay dahil ‘di hamak na mas mabilis ito dahil trapik nga naman kapag bus ang sasakyan. Ang tindi na nga ng trapik, lagi pang sira ang mga tren na tanging option na lang ng mga mananakay upang hindi ma-late sa trabaho o sa pupuntahan. ‘Di lang ‘yan dahil halos nagsabay pa sila, doble perwisyo nga naman talaga.

Kailan kaya darating ang araw na magkakaroon na ng maayos na public transportation system ang Pilipinas? Sana naman buhay pa ako kung mangyari man ‘yon.

Joanna ng Cavite