Bubuksan ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020-2021 na may magkakamukhang players sa ilang team.
Ito ay dahil ilang kambal ang inaasahang maglalaro ngayong taon sa iba’t ibang mga koponan sa simula ng Philippine Cup sa Marso 1.
Pinakahuling nakasampa sa propesyonal na liga sina Jayvee at Jaycee Marcelino mula Lyceum Pirates ng National Collegiate Athletics Association.
Pumirma ng one conference contract si Jayvee sa Phoenix Pulse tungo sa pagtatala ng kanilang kasaysayan ni Jaycee sa 2020 all-Pinoy conference.
Ang magkapatid na mula sa Olongapo ang naging ika-apat na kambal na maglalaro sa pro league.
Napili si Jayvee sa fourth round sa 2019 PBA Rookie Draft, pero hindi pinapirma ng kontrata ng NLEX upang maghanap ng ibang koponan bilang rookie free agent at palagdxain ng Fuel Masters.
Nakalaklak si Jaycee ng two-year contract sa Alaska Milk matapos na tinapik ng Aces sa ikalawang round.
Dahil rito ay nakasama ang dalawa sa mga kambal na nakapaglaro sa liga tulad nina Jing at Noli Aldanese, Joel at Noel Guzman, at Anthony at David Semerad.
Ang kambal ding sina Matt at Mike Nieto ay dapat na maglalaro na sa liga subalit kinuha ang dalawa sa special Gilas draft at inaasahang magiging ikalimang pares kung makakapaglaro sa PBA. (Lito Oredo)