Nakatakda muling ma­ging sparring partner ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao si George Kambosos, Jr., isang lightweight specialist mula Australia.

Si Kambosos rin ang main ‘dance partner’ ni Pacquiao sa nakalipas na laban kay Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nakuha nito ang WBA welterweight belt ng Argentinean sa bisa ng 7th round knockout.

Bukod sa lightweight fighter, nakalinya rin para makatulong ni Pacquiao sa paghahanda sa kanyang title defense fight sa January 19 sa Las Vegas kontra Adrien Broner ang mga Pinoy boxer na sina Leonardo Doronio at Sonny Katiangdagho, ayon sa report na lumabas sa philboxing.com

Si Doronio ang kasalukuyang middleweight champion sa bansa, habang ang Filipino Indonesian na si Katiangdagho ay lumalaban sa weltwerweight division.

Nakaka-isang linggo na sa kanyang training camp ang magku-40 anyos nang si Pacquiao.