WebClick Tracer

Kamot ni Ellen pinagtripan – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Kamot ni Ellen pinagtripan

May 04, 2020 (May 04, 2020) Abante Tonite

Nag-post si Ellen Adarna ng kanyang sexy photo sa Instagram account niya.

Isang netizen ang pumuna at binanatan ang kamot ng sexy actress .Ito’y dahil sa panganganak sa baby nila ni John Lloyd Cruz.
Sey ni @heart6921, “Opps kita strech mark… papa-surgery muna ha bago mga pictorial ng frontal. Normal lang yan. May paraan kay Dra. Belo. Back in career ka muna😊 balik flawless.”

Resbak ni Ellen: “@heart6921 your face needs more treatment than my stretchmarks (btw, I don’t have stretch marks on my stomach just my thighs (if you can see it thru my pants then youre amazing) everyone would agree on this…”

Umani naman ito ng mahigit 559 na comments habang sinusulat namin ito. Karamihan ay inupakan ang nang-okray sa kamot ni Ellen.

@eliziajei, “@heart6921 ayusin mo muna mukha mo. bago mo pakelamanan katawan ni @maria.elena.adarna hahahaha.”

@augs27.chris12, “@heart6921 di ka naman kagandahan galing mong manglait paki check ng buong katawan mo ha start sa face mo.”

@lerinjayann, “@maria.elena.adarna I love you so much 😊😘 Gusto ko talaga yung personality mo 😍 Kaya sa mga puro panlalait diyan pakicheck muna ang sarili bago pumuna ng muta ng iba hahaha @nys_cal, “@maria.elena.adarna hahaha love your answer pretty girl! Adarna gyud mo answer.”
@margie7060, “@maria.elena.adarna I don’t see stretch mark. Don’t waste your time Elen nagpapansin Lang yan and Hindi nya deserve ang time mo.
Talbog!

Ermat ni Jinggoy magpapakulong

Nag-Facebook live ang dating senador na si Jinggoy Estrada pagkatapos siyang imbitahan ng pulisya ng San Juan sa pamimigay ng libreng bangus.
Mangiyak-ngiyak siya habang kinukuwento ang pagtawag ng kanyang ina na si Former Senator Loi Estrada.
Sabi ng ermat ni Jinggoy siya na lang daw ang ikulong kesa sa anak.
Pina-harvest daw niya ang mga bangus sa kanyang fishpond sa Zambales. Inutos niya na ipamigay ito ni Jinggoy sa mga taga-San Juan.
Pakiusap ng dating senador na ‘wag haluan ng politika ang pagtulong niya lalo’t nahaharap tayo ngayon sa pakikipaglaban sa COVID. Bukod dito, sawa na raw sa sardinas ang mga tao kaya namigay sila ng bangus.

Pagkain ng mga artista keri orderin sa Viva resto

Bagamat hanggang May 15 pa ang Enhanced Community Quarantine keri na magpa-deliver ng pagkain sa food and restaurants division ng Viva group of companies.

sa pamamagitan ng Grab Food, Food Panda, Lala Food puwede mag-order sa Paper Moon, Botejyu, Pepi Cubano, at Wing Zone

Ang mga pagkain sa resto na ito ang paboritong kainin ng mga artista lalo na pag after ng premiere night ng mga pelikula ng Viva Films.
Pinagpipistahan din ito ng mga movie writers pag ginaganap ang presscon sa nasabing kainan.

Hindi maaawat ang mga pagkaing ito na maibsan ang inyong pagtakam dahil keri nilang i-deliver sa inyong mga tahanan.

Dahil dito, nagbukas ng kanilang mga kusina ang Paper Moon, Botejyu, Pepi Cubano, at Wing Zone para sa delivery, takeout, at pick-up.
Ito na ang panahon na matitikman ang mille Crepes, okonomiyaki, Cuban sandwiches, at full-flavored special wings.

I-tsek ang food delivery apps Food Panda, Grab Food, at Lala Food if you’re within distance at simulang mag-order.

Para sa Grab Food, Pepi Cubano at Wing Zone orders may P50 off using the code KEEPSAFE50.

Heto naman ang deal para sa Food Panda: 20% discount plus free delivery sa Pepi Cubano at Wing Zone. Paper Moon is 15% off. For Botejyu, it’s 10% discount plus free delivery.

If you opt for takeout or pick-up transactions, bukas ang kanilang resto from 9 a.m. to 6 p.m. You get 10% off on your food bill.

Bongga!

Showbiz, Showbiz Columnist Ellen Adarna, Grab Food, Instagram account, Jinggoy Estrada, John Lloyd Cruz., Kamot, Pepi Cubano, pinagtripan, sexy photo

Post navigation

 ‘Di ako sugarol – MJOftana nagbasketbol sa ulan 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam